10.08.2009

Open letter to Manong taxi driver who got my Motorola phone





Kuya, hi.

Umuulan noon, ang kalye ay basa.

Umpisa pa lang alam ko nang wrong move ang pagsakay sa karag-karag mong lumang Kia box type na taxi. Malayo ka pa lang medyo bad vibes ka na. Ngunit sa kadahilanang maulan sa Buendia kaninang umaga, di na kami nakapili pa ng masasakyan.

In fairness, hindi naman mabaho ang loob ng sasakyan mo. In fairness part 2, naiwas mo naman kami sa buwakananginang traffic sa Buendia.

Inaamin ko, nakatulog ako dahil napuyat ako kagabi dahil sa friendster facebook. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit hindi ko (at ng kasama ko) nakita na naiwan ko pala iyong cellphone ko sa upuan ng malupit mong kia box type na sasakyan. May magic ata ang upuan mo, ser. Nangangain ng celfon?!

Hindi katagalan at na-realize ko na nawawala ang pinakamamahal kong motorola cellphone. Tinawagan ko ang aking numero gamit ang number ng officemate ko (dahil walang load ang Sun sim ko, weh ano ngayon). Nag-ring naman ngunit di naglaon ay pinatay mo na. Paano ko nalaman? Dahil nagda-divert (di ko alam ang tagalog nito) na ang tawag ko sa Sun phone ko.



Right: RIP Motorola phone

So yun nga yung nangyari.

Nakakalungkot lang, sana naman ibalik mo na lang ang sim card ko. 09174582852. Alam mo ba na halos 10 taon ko na gamit ang number na yan? Nokia 3210 pa lang ang cellphone ko (dahil yun ang uso noon) ito na ang ginagamit ko pang-forward ng mga text na may mga oso at stick figures na sumasayaw. Ngunit ngayon, maraming salamat sa iyo, kailangan ko na mag-paalam sa 09174582852.

Galit ako sa sitwasyon. Kasalanan ko din naman, pero maari naman iba ang ginawa mo di ba? Iisipin ko na lang kailangan mo ng cellphone. Baka kailangan ng anak mo...o kaya ng nobya mo.

Gusto ko mag tantrums nang bonggang bongga dahil sa nangyari. Pero life must go on, ika nga. Ngayon kailangan ko kumayod para makabili ako ng bagong cellphone.
Sana mag-enjoy ka diyan sa cellphone ko, walang gprs yan kasi di malagyan ng globe (lulz ewan ko ba kung bakit). Sayang lang kasi di ko na makukuha yung mga importanteng numero ng mga tao sa buhay ko simula pa noong high school ako.

Wala na ako masabi, iinom na lang ako. Ang sakit sa heart.

Dani
blog comments powered by Disqus
Related Posts with Thumbnails