10.03.2009

Reasons you need not volunteer (ang tamaan, wag magagalit!)

sa mga nangyayari ngayon, marami talaga ang nangangailangan ng volunteers. oo, masarap ang pakiramdam ng makatulong sa iba. pero ang pagiging volunteer ay hindi naman isang requirement. hindi ka mapupunta sa impiyerno pag hindi ka nag-volunteer. ang akin lang, wag natin ipilit kapag hindi puwede.

here are some reasons you need not volunteer (ang tamaan, wag magagalit!):

di mo kaya magbuhat ng mga mabibigat na bagay, hindi dahil sa maarte ka, pero dahil sadyang di mo talaga kaya (wala kang lakas, mahina ang buto mo, kulang ka sa vitamins, etc.) - wag ka mag volunteer

ayaw mo madumihan, magkaroon ng baskil (basang kili-kili), at mag-amoy putok - wag ka mag volunteer

 
baskil
you don't like other people ordering you around - wag ka mag volunteer

kung napipilitan ka lang dahil halos lahat ng kaibigan mo ay pupunta - wag ka mag volunteer

ayaw mo mabahiran ang paa mo ng putik o di kaya ay prone ka sa heat stroke - wag ka mag volunteer

kung nahuhurt ang damdamin mo kapag hindi ka nakakarinig ng "thank you" after a hard day's work - wag ka mag volunteer

if your work schedule/personal schedule is full - wag ka mag volunteer

kung ang main purpose mo ay to meet new friends - wag ka mag volunteer

kung gusto mo lang ng venue para makipagtagpo sa boyfriend/girlfriend mo dahil isang linggo kayong walang pasok sa school - wag ka mag volunteer

kung gusto mo makakita at magpapicture sa artista - wag ka mag volunteer

kung gusto mo makakita at magpapicture sa pulitiko - wag ka mag volunteer

kung mas marami pa yung cam-whore photos mo kaysa sa mga na-repack mo na donations - wag ka na ulit mag volunteer, sa bahay ka na lang at tumulong sa parents mo

ALL I'M SAYING IS, LET US PLEASE VOLUNTEER FOR THE RIGHT REASONS.

see, there are other ways to help. di mo kailangan pumunta sa malayo para makatulong. there are volunteer works which you could do ONLINE e.g. Sahana and Ondoy Manila. puwede ka rin mag donate ng money via SMS, credit card, or paypal. kung walang budget, nakakatulong din ang pag post at repost ng mga important online messages e.g. call for donations/volunteers, weather updates, cries for help, etc. at kung wala kang oras para gawin ang lahat ng mga 'to, a simple prayer will do. at least, alam mo may nagawa ka para makatulong.

tama?

tama!

now, PGMA and team, where do you are?
blog comments powered by Disqus
Related Posts with Thumbnails